in Entertainment, Personal, Review

12 Things I Learned From #12themovie

at

​​Dear Ms. Alessandra De Rossi,

Anong kasalanan ko sayo? May galit ka ba sa akin? Hahaha. Grabe yung sinulat mong #12themovie. Tagos sa puso. Ang sakit, bes. First scene palang relate na agad ako. Grabe yun linyahan ni Anton at Erika. Marerealize mo lahat ng tama, mali at mga pagkukulang mo sa isang relasyon.

12 things na napulot ko sa #12themovie:

1. Words are poison. Words are bullet. Think before you speak lalo na pag galit ka. Masakit sa puso mapagsabihan ng kung ano ano at hindi maganda. Lalo na kung galing ito sa taong mahal mo.

2. Keep your word. Don’t make promises na di mo naman gagawin. Kaming mga babae, tanda namin mga pangako nyong mga lalaki sa simula’t simula. Kaya wag puro salita, gawin mo din.

3. Naniniwala ako na sa isang relasyon, hindi lang dapat isa ang nagdedecide. Kung gusto mo pala na kaw lagi ang nagdedecide, edi sana shinota mo nalang sarili mo. Sabi nga ni Anton, “How can you be in a relationship and think of your own comfort?”. Kapag mahal mo ang isang tao, ibibigay mo lahat. Kasi para sa akin, basta masaya sya, masaya na din ako. Lahat isasacrifice mo para sa dream nyong dalawa.

4. Effort. Isa to sa mga pinapahalagahan ko sa isang relasyon. Nag eeffort ka pa ba para mapasaya sya? Kahit isang pirasong bulalak yan, sobrang appreciate na ng girls yan. Hindi naman kelangan ng bonggang effort para mapasaya ang isang babae. Simple things can make a woman feel loved and special.

5. Be open to each other. Yung maliit na bagay para sayo, malaking bagay na sa kanya and vice versa. Jan kasi nagsisimula ang lahat, sa maliit na bagay, pag naipon, lumalaki. Kaya habang maliit pa, isolve na. Communication is key.

6. Accept, Admit your mistake and say Sorry. Hindi porket ikaw un lalaki eh lagi ka ng tama. Yung tipong ikaw ang may kasalanan pero nababaliktad mo lahat para maging mali un isa. Mali yun bro. Maling mali. Be a man. Admit your mistake and say sorry. Hindi kabawasan sa pagkalalaki mo kung tatanggapin mo na mali ka at magsosorry ka.

7. Iba ang nagger sa nagpapaliwanag. Minsan akala ng boys nag nanag na yun babae pero nagpapaliwanag lang naman talaga. Kaya akala mo nagnanag si ateng kasi hindi ka nakikinig at hindi mo sya pinapakinggan.

8. “Okay lang ako” is the most common lie ever told. Don’t believe her when she says she’s “Okay”. Sinabi nga nyang okay pero ung itsura naman nya hindi diba? Wag kang manhid bes. Dapat alam mo kung kelan okay talaga at hindi okay ang partner mo.

9. When you love someone, you’ll accept her/his flaws. But it doesn’t mean na hindi na dapat kayo maggogrow. If you want your relationship to work, both of you need to grow, Be a better version of yourself.

10. Wag mo hayaan mawala ang sarili mo sa relasyon kahit gaano mo pa kamahal ang isang tao. Love him but love yourself more.

11. Never take someone you love, for granted. Habang anjan pa sya, pahalagahan mo na. Minsan kasi nakikita natin ang halaga ng isang tao pag wala na sya sayo.

12. Fight for your love or learn to let go. Fight if both of you wants to fight for it but let it go if ikaw nalang un may gusto. No matter what, at the end of the day, it’s your decision.

PS: Mali ka Anton ng sabihin mo na lahat ng lalaki nanonood ng porn. May mga kakilala akong hindi. Okay? (Aaron pose).

Watch na kyo mga bes, sama nyo friends nyo para meron kayong shoulder to cry on, o kaya ung EX mo para marealize nya kung saan sya nagkulang at nagkamli nung kayo pa. Pwede din naman BF/GF nyo, baka sakaling tamaan kayo parehas at maging okay pa relasyon nyo. Pwede ka din naman manood mag isa kung trip mo.

 

Share:

1 Comment

  1. Angelie Namindang

    Wow!! Gusto ko panuorin Yan. Ang daming lesson na makukuha.

    21 . Nov . 2017

Leave A Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *