Sa kabila ng karangalan na binigay ni 2020 Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa buong Pilipinas, alam nya na malaki rin ang papel na ginagampanan nya bilang role model ng mga Filipino athletes lalo na sa aspeto ng pag-iipon.
“Para sa mga athlete na katulad ko, importante na may ipon ka,” ani Hidilyn. “Mag-save ka sa bangko para mas ligtas ang pera mo, hindi yung kung saan-saan mo lang ilalagay tulad ng alkansya na pwedeng mawala o pwede ring ma-tempt ka na kumuha para ipangbili lang ng kung ano-ano.”
Ayon sa champion weightlifter, ang pag-iipon ay paghahanda ng isang indibidwal lalo na sa oras ng emergency.
“Kung may emergency, alam ko na may maibibigay ako sa pamilya ko or may pang-gastos ako. Hindi yung iisipin ko pa kung saan-saan ako huhugot. Maghihiram pa ba ako sa iba? Hindi ako habambuhay na atleta. Hindi ako parating champion. Hangga’t meron, mag-i-ipon,” dagdag nya.
Naging malaking eye-opener kay Hidilyn noong hindi sya nakapag-qualify sa 2014 Asian Games dahil sa knee injury. Kwento pa nya na pinagdudahan nya ang kanyang sarili noon at ang kakayanang makabalik sa weightlifting.
“Feeling ko laos na ako,” pag-alala ni Hidilyn.
Isa sa mga nagtulak at nag-inspire sa kanya na bumalik ay ang mindset na kailangang may savings sya dahil maraming umaasa sa kanya.
“Kailangan kong makabalk sa sports at kailangan kong maging successful para makapag-ipon uli. Kailangan may pang-emergency funding ako. Nag-ipon ako para kahit tapos na (ang career ko), anuman ang mangyari, kahit laos na ako may fallback ako,” sabi nya.
Pangarap din ni Hidilyn na mai-share sa kapwa atleta ang mga natutunan nya sa BDO Unibank lalo na ang aspeto ng financial education.
“Hindi kami forever na malakas at successful as an athlete. Kaya nga mas maganda na habang nagsisimula pa lang sila, mag-ipon na sila. Kailangang maging habit na nila ‘yun,” dagdag nya. “Kailangang ma-differentiate nila yung needs versus wants. Kailangan masigurado nila na financially stable sila even years after silang maging athlete.” Advocacy ni Hidilyn na ipalaganap ang kahalagahan ng financial education at savings lalo na sa mga unserved at underserved markets na walang masyadong access sa basic banking services.
Napakagaling ng mindset ni ms. Hidilyn Diaz at may punto naman talaga po siya. Hindi habang buhay eh malakas ka, need mo mag ipon para kapag nag retire ka na eh may maaasahan ka.
Yes po, I agree sa lahat ng statements ni idol Hidilyn, sa panahon ngayon. Kailangan talaga na praktikal na. Dapat unahin ang Needs kaysa sa Wants, para makapag ipon . Lalo pa sa tulad ko na nanay na, talagang kung pwede lang puro siksik ng pera, pra lang sa mga pangangailangan namin . Maging Wise Money User nalang po at totoo, sa panahon ng emergency, mas ok na may natatabi para mapunan agad yung gastos.
Importante talaga may ipon para may magagamit tayo Lalo pag may emergency. Malaking tulong un para din sa future natin. ❤️
Yes po. Importante talaga ang pag-iipon lalo na sa panahon ngayon. Iba padin ang may mahuhugot incase of emergency. Thankfully my BDO tayong maaasahan at magtuturo ng financial education para mas secured & safe ang ating pag-iipon.
Maia-apply po itong advice ni ma’am Hidilyn sa lahat. Athlete or hindi man po, mahalaga po talaga na may emergency fund. Lalo ko po iyon narealized nang magkapandemya. Nang karamihan ay nawalan ng trabaho, nang maging mahirap ang lahat. Malaking bagay na may naitatabi for the rainy days. Saludo po ako sa determination ni ma’am Hidilyn na makapag ipon at ngayon naman po ay ang pagiging inspirasyon sa marami tungkol sa kahalagahan nito. “Kapag may itinanim, may aanihin.” 🤍
Dapat nmn po tlg na mag ipon tayo para pagdting ng emrgency may mdudukot po tayo habang kaya pa ng ating mga katawan dapat na may ipon din tayo
I agree to this .. kailangan natin talaga mag ipon para sa future. Di natin alam ang biglaang emergency na darating.
Super bet ko tong life lesson mula sa ating Olympic Gold Medalist..Agree talaga sa kailangang may ipon,pinaka importante talaga yan e.Hindi kasi habang buhay malakas at kikita tayo,kaya mas maigi talaga ang may maipon incase kase na may emergency may mahuhugot tayo,may pagkukunan.
Pag may sipag at tyaga po talaga tayo lahat makakamot po natin disiplina sa sarili at marunong mag ipon … Hinde nabaleng kuripot paminsan minsan basta may maidudukot naman